Vaccination sa ilang bayan sa Cavite, pansamantalang itinigil dahil sa kakulangan ng suplay

Pansamantalang itinigil ang pagbabakuna sa ilang mga bayan sa Cavite dahil sa kakulangan ng suplay nito.

Pansamantalang itinigil ang pagbabakuna sa ilang mga bayan sa Cavite dahil sa kakulangan ng suplay nito. 

Sa Facebook post ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, inanunsyo niyang maaantala muna sila sa pagbibigay ng unang doses ng bakuna sa kanilang vaccination sites. 

Bunga ng kawalan ng supply ng bakuna, muli ay napilitan tayong ihinto ang pagbibigay ng first dose sa ating vaccination…

Posted by Emmanuel Maliksi on Sunday, July 11, 2021

Bukod pa rito, nanawagan din siya sa Department of Health para sa karagdagang alokasyon ng bakuna dahil kulang na kulang umano ang suplay nito sa kanilang bayan. 

“Nananatili pa ring handa ang Lungsod ng Imus para sa susunod na pagdating ng mga bakuna. Sa katunayan po nitong nagdaang linggo ay umabot na sa humigit-kumulang na 5,4000 ang nababakunahan sa iisang araw,” aniya. 

Samantala, habang naghihintay pa ng alokasyon ng bakuna mula sa pamahalaan, inihinto rin ng bayan ng Silang ang pagbibigay ng ikalawang doses ng Sinovac para sa mga naka-schedule mula Hulyo 12 hanggang 22. 

Magandang Araw! Isang Masiglang Serbisyo mga ka Silangueño, ISANG MAHALAGANG PAUNAWA 🙂 #CharacterandProgress #silangrhu #MaCiglangSILANG

Posted by Silang Rhu on Wednesday, July 7, 2021


Ganito rin ang naging anunsiyo sa publiko sa bayan ng Mendez-Nunez para sa mga dapat sana ay naka-schedule ng Hulyo 16 hanggang 17. Tuloy naman ang pagbabakuna para sa second dose ng Pfizer vaccines sa bayan. 

𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 Ang naunang schedule ng 2nd Dose ng SINOVAC Vaccines sa 16 at 17 ng Hulyo 2021 ay ipagpapaliban sa ibang araw….

Posted by Local Government Unit of Mendez-Nuñez on Tuesday, July 13, 2021

Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa si Mayor Angelo Aguinaldo dahil magkakaroon ng delay ang pagbibigay ng bakuna sa mga naka-schedule ng Hulyo 13 sa bayan ng Kawit. 

#TaasManggasKawit update: Magkakaroon po ng delay sa rollout ng COVID-19 vaccines sa ating bayan, na epekto rin ng delay…

Posted by Angelo G. Aguinaldo on Saturday, July 10, 2021

“Sa oras po na dumating ang bakuna, tayo po ay makikipag-ugnayan sa ating mga barangay para maianunsyo ang pagpapatuloy ng roll out ng Covid-19 Vaccine,” ani ng alkalde. 

Inaasahan pa rin umano ang pagdating ng Sinovac vaccines sa susunod na dalawang linggo, ayon sa advisory ng National COVID-19 Vaccinations Operations Cente. 

Thumbnail photo by Hakan Nural on Unsplash

Total
2
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts