Dalawang siklista patay sa kidlat sa Cavite

Dead on arrival ang dalawang siklista sa General Trias, Cavite matapos tamaan ng kidlat sa kalsada nitong Hulyo 11.

Nasawi ang dalawang lalaki sa General Trias, Cavite matapos tamaan ng kidlat habang nagbibisikleta nitong Huwebes, Hulyo 11.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay nagbibisikleta nang maabutan ng masamang panahon sa kalsada at tamaan ng kidlat sa Barangay Tapia, General Trias.

Nagtamo ang dalawa ng mga paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima ngunit sa kasamaang palad ay hindi na umabot ng buhay.

Sa ulat ng panahon ng PAGASA, kasama ang Cavite sa mga makakaranas ng ulan, kulog, at kidlat dahil sa intertropical convergence zone at habagat noong Huwebes.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Rep. Jolo Revilla nanawagan ng agarang pagpasa ng mga panukala laban sa kawalan ng trabaho 

Nanawagan si Cavite Rep. Jolo Revilla sa Kongreso na apurahin ang mga panukalang batas para sa trabaho dahil sa 2.27 milyong unemployed Filipinos noong Hulyo. Kabilang sa kanyang isinusulong ang HB 2985, na magpapapermanente sa TUPAD Program ng DOLE, at ang HB 481 o ang Barangay Skilled Workers Registry, na lilikha ng database para sa mas mabilis na job matching.