Inihain ni Duterte Youth Rep. Drixie Mae Cardema ang House Bill No. 10910 na naglalayong ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng firing squad o lethal injection. Nakasaad sa panukala na papatawan ng parusang kamatayan ang mga mapapatunayang nagkasala ng plunder, rape, murder, illegal drugs, at iba pang heinous crimes.
Ayon kay Cardema, firing squad ang ipapataw na parusa sa mga government officials, habang lethal injection naman para sa iba pang kriminal. Aniya, ang pagbabalik ng death penalty ay makatutulong sa pagpapanumbalik ng disiplina at seguridad sa bansa. Inalis man ito noong 2006, nais niyang muling ipatupad para sa kapakanan ng publiko.
“By returning the death penalty, we are creating the needed discipline (kamay na bakal) towards a more secure and safe society for our people and for the Filipino youth,” saad ni Cardema.
Matatandaang si Leo Echegaray ang unang Pinoy na pinarusahan ni death penalty sa bansa noong 1999 matapos harapin ang kaso nitong rape sa isang 10-year-old na bata.
“As a Representative of the Filipino People, I would like to represent and voice out this desire of many Calambeños and of millions of Filipinos to finally return the death penalty for plundering government officials, rapists, murderers, illegal drug traffickers, and other heinous criminals. Millions of Filipinos pay big taxes, [since they are] hopeful for a safe, modern, and strong Philippine Republic that they can be proud of,” dagdag pa ni Cardema.