Sinampahan na ng Department of Justice (DOJ) ng kasong qualified trafficking at child exploitation ang mga miyembro ng sindikatong nagbebenta umano ng mga sanggol sa social media.
Batay sa limang pahinang resolusyon na ibinaba ng DOJ, tuluyan nang isinampa ang kaso laban kina Arjay Malabanan at Ma. Chariza Dizon.
Sa nasabing operasyon, isang babaeng pulis ang nagpanggap na mamimili at nakipagtransaksyon sa dalawang akusado, at nagkasundo sila sa halagang P90,000. Nagkita ang mga ito sa Simbahan ng Concepcion sa Lungsod ng Dasmariñas, Cavite.
Matapos makuha ang marked money, agad silang inaresto ng mga kapulisan.
Sa kasalukuyan, mayroon pang 20-40 Facebook pages na nagkakaroon ng iligal na bentahan o ampunan ng mga sanggol.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Anti-Trafficking in Persons Act at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.