3 magkakaanak, patay sa pananaksak sa Kawit

Malagim ang sinapit ng isang pamilya sa Brgy. Congbalay-Legaspi sa bayan ng Kawit kahapon, Nobyembre 28 matapos masawi ang tatlong miyembro nito dahil sa pananaksak ng isang suspek na di umano’y lulong sa ilegal na droga.

Malagim ang sinapit ng isang pamilya sa Brgy. Congbalay-Legaspi sa bayan ng Kawit kahapon, Nobyembre 28 matapos masawi ang tatlong miyembro nito dahil sa pananaksak ng isang suspek na di umano’y lulong sa ilegal na droga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, alas 6 umano ng gabi nang dumating ang suspek na may dalang kutsilyo at pinagsasaksak sa di pa malamang dahilan ang apat na biktima sa bahay nito. 

Agad namang dinala ang mga biktima sa Binakayan Hospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay. 

Kinilala ang mga ito na sina Ronaldo Hingada, 71, Angelita Hingada, 63, at Roan Hingada Andres, 45. 

Nakaligtas naman sa pananaksak at kasalukuyang ginagamot sa ospital si Rolito Del Rosario Hingada, 47 na nagtamo rin ng mga sugat. 

Nahuli naman sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Jeraldson “Butch” Villamater, 35 na nakatira rin sa parehong barangay. Nakatakdang sampahan ng kasong multiple murder at frustrated murder ang suspek.

Samantala, agad namang pinuntahan ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo kagabi ang pamilya ng biktima at inatasan ang Kawit PNP na paigtingin pa ang kanilang operasyon laban sa ilegal na droga. 

Photo courtesy by Mayor Angelo Aguinaldo

Bagamat nahuli na ang naturang suspek at nasa kustodiya na ng pulisya, hindi umano mapapayagan ng alkalde na maulit pa ang ganitong insidente.

“Kailangan po natin ngayon ang masusing pagbabantay sa mga nagpapakalat at gumagamit ng ilegal na droga dahil posibleng lumaganap muli ang paggamit nito lalo na’t mas malaya nang nakakagalaw ang mga mamamayan dahil sa bumababang kaso ng COVID-19.” ani ng alkalde sa kaniyang Facebook post.

Nagpaabot naman si Mayor Angelo ng pakikiramay at tulong sa pamilyang naging biktima ng krimen.

Total
134
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts