Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa ulat ng weather state bureau, ang kalat-kalat na buhos ng pag-ulan at ang pagpasok ng Habagat buhat ng bagyong Aghon sa nakalipas na araw ang indikasyon nang pagsisimula ng rainy season sa bansa.
Kaugnay nito, inanunsiyo ng ahensiya na mayroong sampu hanggang 13 na bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility simula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon.
Dagdag pa rito, sinabi rin ng PAGASA na maaring magkaroon pa rin ng “break” sa pag-ulan sa susunod susunod na araw o linggo.
Sa pagpapatuloy, pinaalalahan ng PAGASA ang publiko na maging alerto at magdala ng pangga panlaban sa ulan sa pagpasok ng La Niña ngayong Hunyo.