DOTr: 80 sa 120 bagon para sa LRT-1 Cavite Extension may tagas

Nadiskubreng may tagas ang karamihan sa mga bagon na binili noong 2017 para sa LRT-1 Cavite Extension.

Natuklasang may tagas ang 80 sa 120 train cars na binili ng gobyerno noong 2017 para gamitin sana sa proyektong LRT-1 extension pa-Cavite, ayon sa Department of Transportation (DOTR).

Inihayag ni DOTR Undersecretary Cesar Chavez ang problema sa mga bagon sa pagdinig ng House Committee on Transportation noong Pebrero 16.

“Nangyari po ito sa panahon ng pandemic na hindi nakapagpadala ang ating pamahalaan para sa factory acceptance test,” paliwanag niya.

Ayon kay Chavez, nakabayad na ang nakaraang administrasyon ng kalahati sa P12 bilyong bayad sa pribadong kontratista.

Dagdag pa niya, sinabihan na umano nila ang supplier na sumunod sa usapan at ayusin ang mga depektibong bagon bago tuluyang magbayad ang gobyerno ng balanseng P6 bilyon.

“Hindi pa po tapos ang kontrata, and therefore, may panahon pa po sila na i-rectify,” wika ng opisyal.

Samantala, hindi pa naide-deliver sa bansa ang natitirang 40 train cars para sa nasabing proyekto. 

Nais naman ng mga mambabatas na panagutin ang mga opisyal na sangkot sa aberya habang kinukonsidera naman ng DOTR ang pagsasampa ng reklamo laban sa kontratista.

Sa oras na matapos ang kontruksiyon ng 11.7-kilometer LRT-1 Cavite extension project sa taong 2024, inaasahang magiging kalahating oras mula isang oras na lang ang biyahe mula Niog sa Bacoor, Cavite hanggang Baclaran.

Thumbnail photo courtesy of DOTr

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts