Estudyanteng nagtitinda ng taho sa Tanza, hinangaan online

Isang senior high school student mula sa Tanza, Cavite ang nagpaantig ng puso ng mga netizens dahil sa sipag nitong magbuhat ng dalawang balde para ilako ang itinitindang taho.

Isang senior high school student mula sa Tanza, Cavite ang nagpaantig ng puso ng mga netizens dahil sa sipag nitong magbuhat ng dalawang balde para ilako ang itinitindang taho.

Sobrang nakaka hanga ang bata na to 💪💪🥰 Pinag sasabay Ang pagtitinda at pag aaral 💪💪🙏🙏 Laban lang sa Buhay 💪💪🙏 darating din Ang Araw na magtatagumpay ka sa Buhay 🥰🥰🎊🎉 ito Yung dapat tinutularan na Kabataan 😍

Posted by Jhap Tarog on Wednesday, September 14, 2022

Maaga pa lamang ay gumigising na ang half-Indian, half-Filipino na si Gurprit Paris Singh o mas kilala bilang ‘Gopi’ upang ihanda ang kaniyang paninda. Katuwang niya ang kaniyang ina na siyang nagluluto ng arnibal at sago na inihahalo sa kaniyang taho.

Inilalako niya ito mula sa kahabaan ng Brgy. Mulawin papunta at maging sa loob ng paaralan bago magsimula ang klase. Kapag may pasok naman umano ay pansamantala nitong iiwan ang kaniyang taho sa school guard at ilalako itong muli kapag break time o uwian na.

Nagsimula si Gurprit na magtinda ng taho noong Hunyo ngayong taon upang tulungan ang kaniyang ina sa mga gastusin sa bahay. Kumikita siya mula P400 hanggang P600 araw-araw.

“There is nothing to be ashamed of sa ginagawa ko. I am doing a honest job without harming anybody else. My parents, teacher, and classmates are very supportive,” wika ni Gurprit sa panayam kasama si Sid Samaniego.

Photo courtesy by Sid Samaniego

Samantala, may dalawang negosyante naman mula sa Thailand ang nagbigay sa kaniya ng E-bike, cash donation, at grocery items upang makatulong sa pagtitinda nito.

Photo courtesy by Sid Samaniego

Si Gurprit ay kasalukuyang nag-aaral sa Tanza National Comprehensive High School at nangangarap na maging inhinyero balang araw.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts