FDA inaprubahan ang 4 na brand ng COVID-19 vaccine bilang booster shot

Pinahintulutan na ng Food and Drug Administration (FDA) na gamiting booster shot ang apat na brand bakuna laban sa COVID-19 noong Nobyembre 16.

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng apat na brand ng bakuna kontra COVID-19 bilang booster shot o ikatlong dose ng mga fully vaccinated na mga indibidwal.

Inamiyendahan ng FDA ang emergency use authorization ng mga bakunang ang brand ay Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik Light.

“Iyon pong Pfizer ay na-approve natin as a homologous additional third dose, ibig pong sabihin kapag naka-dalawang Pfizer, after six months maaari pong magbigay ng isa pa. Iyong AstraZeneca ay approved din po as a homologous third dose, ganoon din po ang Sinovac,” ayon kay FDA Director General Eric Domingo.

Ayon pa kay Domingo, pinapayagang gamitin ang booster shot para sa mga prayoridad na grupo tulad ng healthcare workers, immunocompromised na mga indibidwal gaya na lamang ng mga senior citizen at persons with comorbidities.

“Gusto lang po naming ipaalala and reiterate na sa pagtitingin po natin at sa pagmo-monitor po natin ng mga bakunahan, talagang nakikita po natin ‘yung benefit ng vaccine, the protection it gives,” wika niya.

“It prevents illness at saka nakakabawas po ng pagkamatay from COVID-19 at mababa naman po ‘yung ating adverse events na nare-report. Kaya nakikita naman po natin sa ating continous monitoring that the benefit of the vaccination definitely outweigh the risks,” dagdag pa ni Domingo.

Samantala, nagsimula nang tumanggap ng booster shot ang mga health care workers noong Nobyembre 17.

Thumbnail photo by cottonbro from Pexels

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts