Higit na mas mataas ng 189% ang mga kasong naitala ukol sa fireworks-related injuries sa CALABARZON kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH).
Photo via Canva
Ayon sa ulat ng ahensya, simula Disyembre 21, 2022 hanggang Enero 1, 2023 nasa 26 na kaso na ang kabuuang naitala sa rehiyon.
Pitumpu’t pitong porsyento o karamihan sa mga naitalang kaso ay mga lalaki na edad 6 hanggang 65 taong-gulang.
Nangunguna sa listahan ng mga paputok na nakapaminsala ang kwitis na may 38 porsyento, sinundan ito ng boga na may 19 porsyento, whistle bomb na may 12 porsyento, 5-Star na may 8 porsyento, piccolo na may 8 porsyento, fountain na may 4 porsyento, at unknown firecracker na may 8 porsyento.
“Inaasahan naman na po natin ang pagtaas ng kaso ng fireworks-related injuries ngayong pagsalubong sa bagong taon matapos ang mahigit dalawang taon na mahigpit na quarantine,” ayon sa isang panayam ng ahensya kay Regional Director Ariel Valencia.