Umabot sa 80 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa isang residential area sa Bacoor, Cavite noong Lunes.
Ayon sa Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), nasunog ang ilang kabahayan sa Pogi Street, Barangay Niog I.
Nagsimulang sumiklab ang apoy dakong alas-5:31 ng hapon at umabot ito hanggang sa ikatlong-alarma.
Tumagal ng dalawang oras ang sunog bago ito tuluyang naapula dakong alas-7:30 ng gabi.
Sunog na naganap sa Brgy. Niog, Bacoor, Cavite. Mga larawan mula sa Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO).
Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, natukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy sa bahay na nagngangalang Lydia Sanchez kung saan ay patuloy pa ring iniimbestigahan ang sanhi nito.
Batay pa sa report, walang naiulat na nasaktan at dinala naman ang mga nasunugan sa isang paaralan malapit sa nasabing lugar.