Nagsimula na ngayong Huwebes, Enero 26 ang 45 araw na “gun ban” sa ika-pitong distrito ng Cavite para sa isasagawang special election doon na gaganapin sa Pebrero 25.
Layunin ng nasabing special election na mapunan ang nabakanteng posisyon ni dating House Representative Jesus Crispin “Boying” Remulla matapos siyang italaga bilang kalihim ng Department of Justice.
[READ: Special election sa Cavite planong gawin sa Pebrero 2023]
Apat na kandidato ang tumatakbo para sa nasabing posisyon kabilang ang anak ng kalihim at kasalukuyang Board Member na si Crispin Diego Diaz Remulla, dating mayor ng Trece Martires City na si Melecio Loyola De Sagun Jr., at mga independent candidate na sina Jose Angelito Domingo Aguinaldo at Michael Angelo Bautista Santos.
[READ: Boying Remulla’s son to run for his father’s vacated congressional post]
Hudyat ang gun ban ng pagsisimula ng halos isang buwang campaign period para sa special election.
Kasabay nito ay naglatag na rin ng mga checkpoint ang pulisya sa ilang mga lugar upang masiguro ang payapa at ligtas na pagdaraos ng halalan.
Nauna nang nagbabala si Comission on Elections Chairman George Garcia sa mga posibleng nagbabalak na gumawa ng masama sa papalapit na special election.
Tiniyak ng Commission on Elections na magiging mapayapa at patas sa tulong ng pulisya ang nalalapit na special polls sa…
Posted by The Cavite Rising on Wednesday, January 18, 2023
Tatagal ang pagpapatupad ng gun ban hanggang sa Marso 12, 2023.
Nasa 365,184 ang eligible voters sa 7th District na sakop ang mga bayan ng Amadeo, Indang, Tanza at siyudad ng Trece Martires.
Thumbnail photo made via Canva