Husay sa sining, ipinamalas ng mga mag-aaral sa Kawit gamit ang chalk

Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Kawit ang taunang Tisa sa Kalsada para sa mga mag-aaral bilang pagdiriwang ngayong National Arts Month.

Ipinamalas ng mga mag-aaral sa elementarya sa bayan ng Kawit ang kanilang galing sa pagguhit gamit ang chalk bilang pagdiriwang ng National Arts Month ngayong buwan ng Pebrero.

Taunang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Kawit ang nasabing programa bilang pagtatampok sa mga batang Kawiteno na may husay pagdating sa pagguhit.

Tampok sa mga iginuhit ng mga mag-aaral ang mga temang may kinalaman sa bayan kabilang na ang dambana ni Hen. Emilio Aguinaldo.

“Maraming salamat po sa ating Kawit Tourism at sa NHCP Museo ni Emilio Aguinaldo para sa pangunguna sa proyektong ito na siyang magandang simula para mas mahubog pa natin ang galing at husay ng ating mga kababayan.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.