Puno na ang kapasidad ng ilang pagamutan sa lalawigan ng Cavite dahil sa dumaraming kaso ng Covid-19 sa probinsya.
Kamakailan lamang ay inilabas ng GMA News Research ang kanilang pag-aaral sa mga datos ng Department of Health (DOH) patungkol sa bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa kung saan ang Cavite ang nakapagtala ng pinamaraming kaso nitong buwan ng Agosto.
Dahil dito, kabilang sa mga ospital na nagbigay ng abiso na puno na ang kanilang kapasidad bago pa man matapos ang buwan ng Agosto ay ang Southern Tagalog Regional Hospital (STRH), De La Salle University Medical Center (DLSUMC), at South Imus Specialist Hospital (SISH).
Ayon sa STRH noong Agosto 29, umabot na sa full bed capacity ang kanilang pagamutan dahil sa dumaraming bilang ng mga pasyenteng tinatamaan ng Covid-19 sa lungsod ng Bacoor.
Base sa datos ng lokal na pamahalaan ng Bacoor noong Agosto 28, umabot sa 2,723 ang aktibong kaso o 18 porsyento ng kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19.
As of August 28, 2021, may kabuuang 15,229 na kaso ng Covid-19 sa Lungsod ng Bacoor. 219 ang bagong kaso, 174 ang…
Posted by City Government of Bacoor on Sunday, August 29, 2021
Noong Agosto 27, nagdeklara naman ang DLSUMC sa lungsod ng Dasmariñas na puno na ang emergency room para sa mga pasyenteng tinamaan ng Covid-19 habang handa naman ang kanilang pagamutan sa mga non-Covid patients.
Base rin sa datos ng lungsod ng Dasmariñas noong Agosto 27, nasa 1,752 kabuuang aktibong kaso ng lungsod.
Posted by Mayor Jenny Austria-Barzaga on Sunday, August 29, 2021
Sa kaparehong araw, nagbigay rin ng anunsyo ang SISH sa lungsod ng Imus na puno na ang kapasidad para sa mga pasyente na may Covid-19 habang handa rin ang kanilang pagamutan para sa mga non-Covid patients.
Ayon naman sa pamahalaang lungsod ng Imus, nasa 1,800 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa kanilang lungsod.
IMUS COVID-19 CENSUS As of August 27, 2021 Active Cases: 1,800 Asymptomatic: 699 Mild: 1025 Moderate: 65 Severe:…
Posted by City Government of Imus on Saturday, August 28, 2021
Thumbnail photo by Hush Naidoo Jade Photography on Unsplash