Ilang pampublikong pasyalan sa Cavite binuksan na

Binuksan na ang ilang pampublikong pasyalan sa Cavite matapos ibaba ng Inter Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 3 ang quarantine restrictions ng probinsya.

Binuksan na ang ilang pampublikong pasyalan sa Cavite matapos ibaba ng Inter Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 3 ang quarantine restrictions ng probinsya.

Maaari nang bisitahin ang Promenade des Dasmarinas tuwing Martes hanggang Linggo mula 6:00 a.m hanggang 10:00 a.m at magbubukas ito ulit mula 4:00 p.m hanggang 9:00 p.m. Sarado ito tuwing Lunes para sa weekly disinfection.

Photo courtesy by Lakwatsero Caviteno

Binuksan naman ng lokal na pamahalaan ng Kawit at IATF ang Aguinaldo Shrine sa mga turista noong Oktubre 26. Dagdag atraksyon sa mga bumibisita rito ang bagong historic mural painting ng bayan.

Basahin: https://thecaviterising.com/historic-mural-in-freedom-shrine-is-new-attraction-in-kawit/

Pinakamalapit na weekend getaway naman mula sa Metro Manila ang bayan ng Tagaytay. Tiyak na mae-enjoy na muli ng mga turista ang malamig na klima at magandang view nang muling buksan ang sikat na Picnic Grove.

Photo courtesy by Japhet Dela Cruz

Ayon sa Tagaytay LGU, hanggang 50% capacity lang ang pinapayagan sa lugar at mahigpit pa ring ipinatutupad ang health protocols alinsunod sa IATF guidelines. Bukas ito araw-araw mula 6:00 a.m. hanggang 10:00 p.m.

Photo courtesy by Jovert Buenaventura at Cavite City Trends Facebook Page

Sa Cavite City naman, unti-unti na ring nabubuhay ang Samonte PN Park matapos suspendihin ang curfew hours sa probinsya.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts