Kumpiskado ang ilan sa mga bawal na paputok na nagkakahalaga ng P13,300 mula sa Malagasang II-A sa lungsod ng Imus noong Martes.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nagset-up ng operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Cavite Provincial Field Unit (PFU) upang mahuli ang umano’y helper na nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok sa rehistradong tindahan na firecrackers.
Nang matimbrehan ng helper na ang mga kausap nito ay operatiba, hindi ito nagpakita sa araw at oras ng transaksyon.
Dito na nagtungo ang CIDG sa physical store ng nasabing helper at nakumpiska ang mga ipinagbabawal na paputok.
Nasabat ang 20 reams ng Five Star, 100 large-sized Whistle Bomb, at 5,000-round Judas Belt.