Lovers in Tandem: Mag-asawang OFW noon, Baby Bus Driver na Ngayon

Tunay ngang mahaba ang biyahe kapag ikaw ay nagmamahal, kagaya na lamang ng love story ng mag-asawa mula sa Rosario, Cavite na naging kasangga na ang kalsada sa kanilang pag-iibigan.

Tunay ngang mahaba ang biyahe kapag ikaw ay nagmamahal, kagaya na lamang ng love story ng mag-asawa mula sa Rosario, Cavite na naging kasangga na ang kalsada sa kanilang pag-iibigan.

Binabaybay nina Maricel Lazala, 36, at Mark Candor, 34, ang kahabaan ng Cavite City highway sakay ng kanilang Baby Bus, isang sikat na pampublikong transportasyon sa probinsya.

BASAHIN: Tour around with this Cultural Symbol of Cavite – Baby Bus

Ito kasi ang naging trabaho ng dalawa matapos umuwi mula sa Dubai. 

Halos 16 na taon ding nagtrabaho sina Maricel at Mark sa Dubai bilang receptionist at steward. Dahil sa pandemya, kasama sila sa nawalan ng trabaho sa naturang lugar at pinauwi sa Pilipinas. 

Sa isang panayam, sinabi ng mag-asawa na tila naglaho umano ang pangarap nilang makabili ng bahay at lupa dahil dito. Pilit man nilang gustuhin na makaalis muli ng bansa, hirap na silang gawin ito. 

Kaya naman, naisipan ng mag-asawa na dumiskarte at maging magka-tandem hindi lamang sa buhay, kundi maging sa kahabaan ng kalsada sa Cavite.

Pinasok ni Mark ang pagiging Baby Bus driver katuwang ang kanyang asawang si Maricel na siyang naging kundoktor nito.

“Mahina na ngayon ang pasada sa bus hindi tulad dati. Marami na rin kasing manggagawa sa Epza ang nawalan ng trabaho matapos na magsara ang ilan sa mga kumpanya ng pabrika sa Epza,” sabi ni Mark sa isang panayam. 

Kumikita sila sa pamamasada ng Baby Bus ng mahigit isang libong piso kada araw. Sapat lamang na pangtustos sa mga pangangailangan. 

Subalit, may mga araw din umanong hindi sapat ang kanilang kinikita. Kung minsan ay nababawi lamang umano nila ang ipinang-gasolina dahil sa tumal ng pasaherong sumasakay sa kanila. 

Bukod pa rito, pasanin din umano ang sunod-sunod na kamalasan na kanilang nararanasan sa daan. “Nandyan yung masisiraan ka, mapa-flat yung gulong, at ang mahuhuli ng mga enforcers,” kwento pa ni Mark. 

Video courtesy by EDSA

Bagaman ganito, masaya pa rin umano ang mag-asawa na sa gitna ng pandemya, kasangga nila ang isa’t isa sa buhay sa kalsada. 

Sa kasalukuyan, araw-araw pa ring nilalakbay ng dalawa ang kahabaan ng rutang Cavite City patungong Naic vice versa.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts