Tinatayang nasa 41 kabahayan ang naapektuhan ng sunog sa Plaridel, Barangay 57, Cavite City noong Mayo 19.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire protection ng lungsod, sumiklab ang nasabing sunog bandang alas-4 ng hapon na agaran ring inaksyunan ng mga bumbero.
Naiulat na fire under control ang sunog bandang alas-5 ng hapon na agaran ring naapula. Tinatayang nasa 23 kabahayan ang totally damaged at 14 partially damaged sa sunog at wala namang naiulat na nasawi at nasugatan sa insidente.
Nagpaalala si Cavite City Mayor Denver Chua sa mga residente na magdoble ingat dahil sa sunod-sunod na nangyayaring sunog sa lungsod.
“Patuloy po na pinapaalalahanan natin ang ating mga residente na palaging mag-ingat at huwag iwang nakasaksak ang kanilang mga appliances lalo’t hindi naman ginagamit dahil isa pa ito sa pinagmumulan ng sunog,” saad ni Chua.
Sa kanyang Facebook live naman, nagpasalamat din ang aklalde sa mga fire volunteer, sa City Disaster Risk-Reduction and Management Office-Cavite City at sa mga bumbero sa mabilis na rumisponde sa nasabing sunog.
Pansamantalang nakalagak ang mga naapektuhan ng sunog sa evacuation site malapit sa City Hall ng lungsod.
Thumbnail photo courtesy of Mayor Denver Chua/FB