Mangingisda sa Rosario arestado sa paggawa ng pekeng vaccination cards

Arestado ang isang mangingisda na na nagiimprenta umano ng pekeng vaccination cards sa isinagawang entrapment operation sa Rosario, Cavite.

Kulong ang isang mangingisda na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards matapos ikinasa kamakailan ang isang entrapment operation ng mga otoridad sa Rosario, Cavite.

Kinilala ng lokal na kapulisan ang naarestong suspek na si Roy Marquez Pelagio, 48 taong-gulang at naninirahan sa Brgy Wawa 1. 

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng Rural Health Unit sa nakalap nitong impormasyon na nag-iimprenta ang suspek ng COVID-19 vaccination cards gamit ang Municipal Health Office.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis alas-9:45 kamakalawa ng gabi na ikinaaresto ng suspek. 

Nabawi sa suspek ang P200 marked money, dalawang short bond paper na may logo at nakaimprentang COVID 19 vaccination card, at dalawang pirasong name stamp.

Nahaharap ang suspek sa kasong falsification of public documents at paglabag sa RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Samantala, nagbabala naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na peke at hindi awtorisado ang kumakalat ngayon na “vaccination exemption card.”

Nanawagan din ang DILG sa mga lokal na otoridad na higpitan ang pag-iinspeksyon sa mga vaccination card sa gitna ng mga ipinapatupad na restriksyon sa mga hindi pa bakuna kontra COVID-19.

Thumbnail photo by Grant Durr on Unsplash

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts