LOVE WINS: Miyembro ng LGBTQIA+ community ikinasal sa Naic

Talaga namang #LoveWins sa bayan ng Naic nang ikasal ni Mayor Junio Dualan ang dalawang miyembro ng LGBTQIA+ Community sa kanilang bayan.

Talaga namang #LoveWins sa bayan ng Naic nang ikasal ni Mayor Junio Dualan ang dalawang miyembro ng LGBTQIA+ Community sa kanilang bayan.

Nagpalitan ng “I do” sina Pedyun Gualdo ar Airez Baliar sa isang civil wedding sa Naic Municipal Building noong Mayo 5, 2022.

Photo courtesy by Municipality of Naic

Isang pambihirang pagkakataon umano ito ayon sa alkalde.

“Ang pagmamahalan ay hindi nakikita sa kung ano ang ating pagkatao, kundi sa pagiging bukal at bulag ng ating puso,” ani Dualan sa isang Facebook post.

Dagdag pa niya, naging matamis umano ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa dami nang kanilang pinagdaanan, sa kasalan pa rin ang kanilang naging tagpuan.

Umani naman ng positibong reaksyon ang kasalang ito sa social media.

Photo courtesy by Tere Puno

“Talagang nakakatuwa dahil sa hinaba-haba man ng kanilang paglalakbay, di natin akalain na silang dalawa pa ang magkakatuluyan sa huli,” ani ni Tere Puno, principal sponsor ng naturang kasal sa isang Facebook post.

“Kayong mga miyembro ng LGBTQ+ ang malapit sa aking puso. Kaya naman para sa aking mga inaanak, best wishes!” dagdag pa niya.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts
Read More

Mayor Aguinaldo, pinabulaanan ang Allegasyon ng Anomalya; Kawit, Nakapagtala ng Zero Disallowance mula COA

Pinabulaanan ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo ang mga alegasyon ng anomalya laban sa kanya, na aniya'y gawa-gawa lamang ng "Cavite News" upang siraan siya ngayong papalapit na ang eleksyon. Iginiit ng alkalde na patunay ang zero Notice of Disallowance mula sa COA na malinis at maayos ang kanyang pamamahala sa pondo ng bayan. Hinikayat niya ang publiko na maging mapanuri sa mga ibinabalita at muling tiniyak ang kanyang dedikasyon sa tapat na paglilingkod.