MECQ sa Cavite, iba pang probinsya pinalawig pa hanggang katapusan ng Agosto

Ngayong 4 PM, Agosto 13, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 13,177 na karagdagang kaso ng COVID-19….

Posted by Department of Health (Philippines) on Friday, August 13, 2021

Pinalawig pa sa lalawigan ng Cavite at iba pang probinsya ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Agosto 16 hanggang Agosto 31, ayon sa Malacañang noong Biyernes.

Kasama ng naturang lalawigan ang mga probinsya ng Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, Lucena City, Rizal, Aklan, Iloilo, Lapu-Lapu City, Mandaue City at Cebu City.

Samantala, mananatili naman sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila hanggang Agosto 20 at Bataan hanggan Agosto 22.

Kasama naman sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions simula Agosto 16 hanggang sa katapusan ng buwan ay ang mga sumusunod:

  • Ilocos Sur
  • Cagayan
  • Quezon
  • Batangas
  • Naga City
  • Antique
  • Bacolod City
  • Capiz
  • Negros Oriental
  • Cebu
  • Zamboanga del Sur
  • Misamis Orienta
  • Davao City
  • Davao del Norte
  • Davao Occidental
  • Davao de Oro
  • Butuan City

GCQ simula Agosto 13 hanggang Agosto 31

  • Tarlac

GCQ simula Agosto 16 hanggang Agosto 31

  • Baguio City
  • Santiago City
  • Quirino
  • Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Batangas
  • Quezon
  • Puerto Princesa
  • Guimaras
  • Negros Occidental
  • Zamboanga Sibugay
  • Zamboanga City
  • Zamboanga del Norte
  • Davao Oriental
  • Davao del Sur
  • General Santos City
  • Sultan Kudarat
  • Sarangani
  • North Cotabato
  • South Cotabato
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur
  • Dinagat Islands
  • Cotabato City

Habang ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay isasailalim sa Modified GCQ simula Agosto 16 hanggang sa katapusan ng buwan.

Ang naturang desisyon mula sa Inter-Agency Task Force ay inaprubahan ni Pangalong Rodrigo Duterte.

Base sa datos ng Department of Health, pumalo sa 13,177 ang mga bagong kaso ng COVID-19 noong Biyernes, pangalawa sa pinakamataas na kaso kada araw simula nang magkaroon ng pandemya, habang nasa 4,322 ang gumaling, at 299 ang pumanaw.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts