CALABARZON idineklara ng DOH na malaria-free

Idineklara ng Department of Health (DOH) na malaria-free na ang rehiyon ng CALABARZON matapos mukumpleto ang mga probinsyang wala nang kaso nito.

Iginawad ito ng DOH sa pamamagitan ng paglulunsad ng Malaria-Free Regional Celebration and Awarding Ceremony na pinamagatang “Sulong Calabarzon, Sulong Kalusugan! Innovate, Invest and Implement Healthy and Malaria-Free Communities” noong Abril 17.

Photo via Canva

Kahulihang idineklarang malaria-free ang probinsya ng Rizal noong nakaraang taon lamang.

Ibinigay sa probinsya ang P1,000,000 incentive upang mapanatili ang kanilang estado.

Samantala, naunang nakamit ito ng Cavite noong 2005, sumunod ang Batangas noong 2010, at ang mga probinsya naman ng Quezon at Laguna noong 2019.

Ayon sa DOH-CALABARZON, nasa 82 lokal na pamahalaan at pribadong institusyon ang nagtulong-tulong upang masugpo ang malaria sa rehiyon.

“We reiterate our commitment to achieving country-wide Malaria-free status by 2030. The goal is within our reach, but we must continue our work to achieve this fully. Patuloy ang DOH sa pagtulong na mapababa ang ating local transmission sa bansa upang lahat ng probinsya ay makakamit ng elimination status,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Singh-Vergeire.

“We will also facilitate the assessment of provinces with elimination status so that they can join Malaria-free provinces like Region 4A,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Vergeire, target ng ahensya na mapanatili ang walang kaso ng malaria sa buong bansa.

Total
0
Shares
Related Posts