Dahil walang kalaban, inendorso na lamang ng muling tumatakbo sa pagka-kongresista na si Boying Remulla ang kanyang mga kaalyado sa National Unity Party (NUP).
Inendorso ng tumatakbo sa pagka-kongresista na si Boying Remulla ang mga kandidatong susubok sa iba’t ibang posisyon sa bayan ng Amadeo. Photo courtesy of Boying Remulla’s Official Facebook page.
Nagpahayag si Remulla ng suporta sa pamamagitan ng pagdalo sa mga isinagawang proclamation rally ng mga kapartido nito sa ika-pitong distrito.
Sa pagka-board member naman ay dalawa ang pambato ng NUP na sina Munding Del Rosario at Ping Remulla. Katunggali nila ang dalawang independent candidates na sina Jualinio Abutin at John Mark Cayao.
Bukod pa rito, wala ring kalaban sa pagka-mayor sa bayan ng Tanza si incumbent mayor Yuri Pacumio ng NUP.
Nagtungo rin si Boying Remulla para iendorso ang mga kaalyado nito sa partido. Photo courtesy of Boying Remulla’s Official Facebook page.
Samantala, narito naman ang mga kandidatong maglalaban-laban sa pagka-mayor sa mga bayan ng Amadeo at Indang at lungsod ng Trece Martires:
Amadeo
Incumbment mayor Redel John Dionisio ng Aksyon laban kay Conrado Viado ng People’s Reform Party (PRP)
Indang
Incumbment mayor Perfecto Fidel (NUP) laban sa independent candidate na si Raquel Quiambao
Trece Martires City
Melandres “Melan” de Sagun ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) laban kay incumbment mayor Gemma Lubigan ng NUP
Sama-sama sa isinagawang meeting ang mga tumatakbong kandidato sa lungsod ng Trece Martires City. Photo courtesy of Mayor Gemma Lubigan’s Official Facebook page.