Sumailalim sa mandatory antigen swab testing ang lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Naic Municipal Jail noong Martes, Setyembre 14.
Patuloy po ang ating Immunization Efforts kontra COVID-19 sa Amisa Medical Mission Hospital. Kanina ay nakapagbakuna…
Posted by Municipality of Naic on Tuesday, September 14, 2021
Sa isang Facebook post ng pamahalaang munisipalidad ng Naic, sinabi nitong layunin ng isinagawang swab testing na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga inmate sa panahon ng pandemya.
“Kahit na sila ay nagkasala sa batas, sila rin ay aking mga kababayan na dapat nating bigyan ng pansin at tulong lalo na ngayong panahon ng pandemya. Mag-ingat tayong lahat dahil hindi pa natatapos ang ating laban sa COVID-19,” ani Naic Mayor Junio Dualan.
Samantala sa kaparehong araw, patuloy naman ang pagsasagawa ng vaccination program ng pamahalaang lokal sa Amisa Medical Mission Hospital kung saan ay nabakunahan ang mga senior citizen, persons with comorbidities at mga essential worker.
“Bukas po ang ating vaccination site mula Martes hanggang Biyernes kaya naman patuloy po akong nananawagan sa aking mga kababayan na magpabakuna upang makamit natin ang Herd Immunity,” pahayag ng alkalde.
Batay sa huling datos ng munisipalidad, umabot na sa 2,084 ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 matapos makapagtala ng 26 na panibagong kaso ng naturang sakit noong Setyembre 15.