Mga sementeryo isasara sa linggo ng Undas- Roque

Napagdesisyunan ng pamahalaan na isara ang mga pampubliko at pampribadong sementeryo, memorial park, at mga columbarium simula Oktubre 29 hanggang ika-dalawa ng Nobyembre.

Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na ipagbabawal na ang pagbisita sa mga sementeryo, memorial park, at mga columbarium sa linggo ng Undas alinsunod sa sa inilabas na mga patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) kontra COVID-19.

“Lahat ng pribado at pampublikong sementeryo, memorial parks at columbariums ay isasara sa mga bisita mula Biyernes, October 29 hanggang a-dos ng Nobyembre,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque noong Oktubre 25 sa isang press briefing.

Bago ang ika-29 ng Oktubre at pagkatapos ng ika-dalawa ng Nobyembre, limitado lamang hanggang 30 porsyento ang kapasidad ang pinapayagan at pinaalalahanan rin ang publiko na magkaroon ng social distancing at magsuot ng facemask at face shield.

Dagdag pa ng kalihim, hindi magkakaroon ng restriksyon pagdating sa edad ng mga bibisita sa mga sementeryo.

Samantala, pinapayagan namang ipagpatuloy ang mga patakaran para sa pagsasagawa cremation at mga lamay sa taong hindi COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay.

Photo by Daian Gan from Pexels

Total
5
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts