Bea Alonzo at Dominic Roque, kumpirmadong hiwalay na

Tuluyan ng naghiwalay ang magkasintahan na si Bea Alonzo at Dominic Roque, ayon mismo kay King of Talk Boy Abunda.

Kinumpirma ni Boy Abunda sa kanyang talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” na hiwalay na ang magkasintahan na sina Bea Alonzo at si Dominic Roque.

Photo 1: Dominic Roque/Intagram

“Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera. So, I was shocked,” saad ni Abunda.

Inilahad rin ng King of Talk na sinauli na umano ni Alonzo ang engagement ring nila ni Roque.

Dagdag pa rito, naging matipid si Alonzo sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa plano nilang kasal dahil sobrang busy umano ng kanilang schedules.

Matatandaang na-engage ang dalawa noong July 18, 2023 sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City. Taong 2021 naunang mapabalitang naging magkarelasyon ang dalawa.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lisensiya ng bus driver sinuspende dahil sa online sugal habang MERALCO, kumite ng P25.5B sa unang kalahati ng 2025

Tumaas ng 10% ang kita ng Meralco sa unang kalahati ng 2025, na umabot sa P25.5 bilyon. Dahil ito sa matatag na kita mula sa power generation at retail electricity. Kumpiyansa si Chairman Manuel Pangilinan na aabot sa P50 bilyon ang core net income sa pagtatapos ng taon. Patuloy din ang pagpapalawak ng kumpanya, kabilang ang pagtatayo ng Atimonan Energy Power Plant at battery energy storage systems sa Cebu.