Miyembro ng NPA sumuko sa Maragondon

Nagbalik-loob sa pamahalaang ang isang isang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) matapos nitong sumuko sa mga awtoridad sa Maragondon, Cavite.

Ayon sa impormasyon ng pulisya, kinilala ang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na si Jeolita Ugbamin Laping na nasa wastong gulang.

Ayon sa ulat, bandang ala-1 ng hapon, Mayo 6, sa Barangay Pinagsanhan B, Maragondon, natunghayan ng mga miyembro ng Cavite Provincial Mobile Force Company, Cavite Police Intelligence Unit 401st A MCRMFB4A at team CADRE ng Cavite Police Provincial Office ang pagsuko ni Laping.

Kasabay ng kaniyang boluntaryong pagsuko, nasa kamay na rin ng pulisya ang hawak nitong isang Colt Revolver Cal. 38 na may serial number na 75757.

Si Laping ay dating kasapi ng KAMAGSASAKA-Barangay Pinagsahan B ng CPP-NP na nakabase sa Maragondon, Cavite.

Thumbnail photo courtesy of The New People’s Army (NPA) 

Total
0
Shares
Related Posts