Batay sa DepEd Regional Memorandum No. 233 series of 2024, automatic na magpapatupad ng Modular Distance Learning (MDL) sa mga lugar na apektado ng extremely high temperature.
Ayon rin sa tala ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), maaringumabot sa 40 degrees celsius ang damang init na pasok sacategoryang “extreme caution.”
Kapag umabot na sa ganitong heat index, posibleng mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure ng isang tao.
Patuloy ding pinag-iingat ang publiko sa posibleng epekto ng init ng panahon kagaya ng heat stroke kaya inaabisuhan ang lahat na gumamit ng pamproteksyon kung lalabas ng bahay.