Nationwide COVID-19 Alert Level System ipapatupad na simula Lunes

Simula Lunes, isasagawa na ang implementasyon ng COVID-19 Alert Level System sa buong bansa.

Ipapatupad na sa buong bansa ang COVID-19 Alert Level System simula Nobyembre 22 hanggang 30 ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.

Matatandaang noong nakaraang linggo lamang ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng COVID-19 Alert Level System sa buong bansa matapos makitaan ng magandang resulta nito sa Metro Manila.

Alinsunod sa Exceutive Order 151, ang Alert Level Sytem ay epektibo na sa Metro Manila, Rehiyon 3, 4-A, 6, 7, 10, at 11; habang ang mga nasa Rehiyon 2, 8, at 12 ay nasa Phase 2; ang mga Rehiyon 2, 5, at 9 naman ay nasa Phase 3; at ang Cordillera Administrative Region, Rehiyon 4-B, 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nasa Phase 4.

Simula Nobyembre 22, isasailalim sa Alert level 3 ang mga probinsiya ng Apayao, Mountain Province, Ifugao, Dinagat Islands, at Sulu.

Mga lugar na isasailalaim sa Alert level 3. Photo Courtesy of PTV

Ipapatupad naman ang Alert level 2 sa Benguet, Abra, Kalinga, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan, Occidental Mindoro, Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Mga lugar na isasailalaim sa Alert level 2. Photo Courtesy of PTV

Samantala, kasama rin sa Alert Level 2 ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts