Normal na pasada at pamasahe sa Imus ibinalik na

Ibinalik na ng lokal na pamahalaan ng Imus ang normal na biyahe at pamasahe sa mga tricyle sa lungsod simula pa noon Nobyembre 22.

Ibinalik na ng lokal na pamahalaan ng Imus ang normal na biyahe at pamasahe sa mga tricyle sa lungsod simula pa noon Nobyembre 22.

Bumalik na sa P9.50 ang minimum fare kada tao, dagdag na P1.00 sa kada kilometrong matatahak at P28.50 naman ang minimum special fare o kung iisa lamang ang sakay ng tricycle sa lungsod.  

Ito ay matapos humingi ni Imus Mayor Emmanuel Maliksi ng opinyon sa publiko, pakikipagtulungan sa Tricycle Regulatory Unit (TRU) at pagkonsulta sa mga TODA ng lungsod para sa pagbabalik ng dating presyo ng pamasahe.

Bukod pa rito, inanunsyo rin ng alkalde ang pagbabalik ng buong three-passenger capacity at one-day coding para umano maging patas sa mga tricycle drivers. 

Susundin ang naturang coding ayon sa Body Number ng tricycle kung saan nakalagay dito ang “Banned on Monday, Tuesday, Wednesday.”

Ipinaalala naman ng TRU na parating tingnan muna ang nakapaskil na taripa ng pamasahe sa tricycle upang hindi mabiktima ng overpricing. 

Narito ang listahan ng fare matrix sa Imus:

Magandang buhay! Imuseño, Simula po sa araw ng lunes, November 22, 2021 ay balik na sa NORMAL ang byahe ng tricycle sa…

Posted by Tru Imus on Friday, November 19, 2021

Samantala, nananatili pa rin ang “no face mask, no ride policy” sa buong lungsod. 

“Sa ating nagkakaisang byahe palayo sa pandemya, walang pasahero at namamasada ang dapat maiwan,” wika pa ni Maliksi sa kaniyang Facebook post.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts