P25K pabuya alok sa makapagtuturo sa  hit-and-run driver sa Dasmariñas

Handang magbigay ng P25,000 pabuya si Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga ukol sa taong makapagtuturo ng driver na sumagasa sa mga motorista sa Dasmariñas City, Cavite.

Nag-alok ng P25,000 si Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon ukol sa driver ng isang van na sumagasa sa apat na motoristang nakatigil sa intersection ng Aguinaldo Highway at Daño Street sa Dasmariñas City, Cavite.

Photo via Cong. Pidi Barzaga’s Facebook post

“Bibigyan ng gantimpalang P25,000 ang sinumang makapagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ng nagmamaneho ng Toyota Hi-Ace Commuter na may plate number na DDZ 8564. Mangyari lamang na makipag-ugnayan kay Cong. Pidi Barzaga sa 0917-5010555,” aniya.

Ayon kay Barzaga, kinilala ang mga biktima na sina Mikko Jan Servido, Mark Danield Valdez, Michael Jhon Engane, at Jay Ar Tuasoc mga residente sa lungsod na agad isinugod sa Pagumutan ng Dasmariñas.

Naka-red signal umano ang traffic light sa daan kung saan patungo ang apat na motorsiklo.

Dagdag pa niya, tumakas ang suspect habang nakahandusay ang mga biktima sa kalsada.

Kaugnay nito, inilathala rin ng Congressman sa kaniyang Facebook post ang pagkakakilanlan ng may-ari ng naturang van.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lapu-Lapu Festival ng mga Pinoy sa Canada nauwi sa aksidente

Isang trahedya ang naganap sa Vancouver, Canada kung saan inararo ng sasakyan ang mga dumalo sa Lapu-Lapu Festival, na ikinasawi at ikinasugat ng ilan. Nagpahayag ng kalungkutan si Mayor Ken Sim at nanawagan ng mas mahigpit na seguridad. Nagpaabot din ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.