Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF ukol sa paggamit ng face shields.
Boluntaryo na lamang ito sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2 at 3 ayon sa Malacañang.
Nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Cavite simula Nobyembre 15 hanggang 30.
Samantala, nakadepende naman sa desisyon ng Local Government Unit at pribadong establisyemento kung mandatory pa rin ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4.
Magandang Kawit po! Bago tayo matulog lahat, nasa balita na po na boluntaryo na lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng…
Posted by Angelo G. Aguinaldo on Monday, November 15, 2021
Mananatili namang required ang pagsusuot nito sa mga lugar na isasailalim sa Alert Level 5 at granular lockdown.
Kabilang na rito ang mga hospital maging ang mga medical at quarantine facilities.
Sabi pa ni Pangulong Rodrigo Duterte, isinaalang-alang umano ang boluntaryong paggamit ng face shield dahil sa hirap na nararanasan ng mga Pilipino.
Hindi rin umano ito nangangahulugang maaari nang aalisin ang facemasks.
Please share. HINDI NA MANDATORY O BOLUNTARYO NA LAMANG ANG PAGSUSUOT NG FACE SHIELD. Ito ay ipapatupad na lamang sa mga Medical at Quarantine Facilities. Continue to observe minimum health protocols.
Posted by Mayor Jenny Austria-Barzaga on Monday, November 15, 2021
Samantala, inanunsyo naman ng Department of Transportation noong Martes na hindi na rin umano required na magsuot ng face shield sa mga pampublikong sakayan sa mga lugar na nasa Alert Level 3 pababa.
Face shield NOT REQUIRED under Alert Level 1, 2, and 3! Aprubado na ng Malacañang ang rekomendasyon ng IATF na gawing…
Posted by Emmanuel Maliksi on Monday, November 15, 2021
Kaniya-kaniyang anunsyo naman ang mga alkalde sa kani-kanilang bayan ukol dito.