Pagsasaayos ng mga kalsada sa paligid ng fish port sa Rosario, planong simulan na

Ilang mga kalsada ang isasaayos sa bayan ng Rosario kung saan ay layunin nitong i-angat ang komersyo at pangkabuhayan ng mga mangingisda at negosyante.

Pinagpaplanuhan nang ayusin ng lokal na pamahalaan ng Rosario ang mga kalsada sa paligid ng fish port upang palakasin ang komersiyo ng fishing community sa bayan.

Photos courtesy of 1st District Rep. Jolo Revilla

Ayon kay Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, katuwang ng lokal na pamahalaan ng Rosario ang Department of Agriculture at Department of Public Works and Highways sa pagsasaayos ilang mga kalsada.

“Layunin nito na iangat ang antas ng pag-aangkat, pagbebenta at maayos na pag-transport ng mga produktong pandagat para mas mapaunlad ang buhay ng ating mangingisda gayundin ang mga maliliit na negosyante sa ating bayan,” saad ni Revilla.

Samantala, matatandaang ibinida rin ng Kongresista sa kaniyang unang 100 araw sa panunungkulan ang iba pa nilang proyektong pang-imprastuktura sa Unang Distrito tulad ng pagsasaayos ng Kalayaan Hospital at iba pang uri ng tulong.

“Ilang panahon nalang ay mararamdaman na natin ang mga bagong proyektong pang-imprastuktura sa Unang Distrito,” aniya.

Total
10
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts