Naghain ng kasong kriminal ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) laban sa viral na security guard na nagtapon ng isang tuta na inihagis sa isang footbridge sa isang mall sa Quezon City.
Naghain ng kaso ang PAWS laban sa viral na security guard nagtapon ng tuta sa footbridge. Photo via Philippine Animal Welfare Society/Facebook.
“Filing this case for violation of the Animal Welfare Act is a show of our collective commitment to bring about a truly humane society. Society must protect its weakest and its most helpless members — animals and children,” ayon sa PAWS.
Larawan ng guwardiya na nagtapon ng tuta sa isang footbridge. Photo via Janine Santos/Facebook
Kasama ng PAWS sa paghahain ng kaso ang witness at uploader ng viral na post na si Janine Santos.
Matatandaang humingi ng tulong at hustiya sa pagkamatay ng tuta ang witness kung saan isinalaysay niya na pinapaalis ng guard ang mga bata at nang hindi ito umalis, itinapon ng guard ang alaga nilang tuta.
“Evil acts such as this is always a precursor to violence against human beings. There are many studies that show the strong link between cruelty to animals and crimes committed against human beings,” ayon naman kay PAWS Executive Director Anna Cabrera.