PCG sinuspinde ang water search, rescue training bunsod ng pagkasawi ng personnel sa Cavite

Dahil sa pagkasawi ng isang Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa Cavite, ipinagpaliban muna ng ahensya ang pagsasagawa ng Water Search and Rescue Training (WASAR).

Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsasagawa ng Water Search and Rescue Training (WASAR) matapos na maiulat na nasawi ang isang PCG personnel sa Cavite noong Nobyembre 16.

File Photo via Philippine Coast Guard/Facebook post.

“All WASAR courses are hereby suspended immediately pending the conduct of review of safety procedures by the Coast Guard Special Operations Force and cognizant units,” ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan.

Naiulat na nasawi si Coast Guard Apprentice Seaman Mori Caguay habang sumasailalim sa pagsasanay.

“On Wednesday, 15 November 2023, a 27-year-old PCG District Palawan personnel with the rank of “Apprentice Seaman” lost consciousness amid the 100-meter swim.  The training staff immediately noticed the situation and conducted cardiopulmonary resuscitation (CPR),” pahayag pa ng Coast Guard.

Ayon pa sa PCG, agad na sinugod sa pinakamalapit na ospital ang naturang PCG personnel ngunit idineklara na itong patay dakong alas-9 ng gabi.

“With this incident, rest assured that our existing training safety protocols will be reviewed and improved to ensure that every personnel preparing to become first responders can effectively serve the Filipino nation by upholding safety of lives at sea,” ani Gavan.

Total
0
Shares
Related Posts