Posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng P3 hanggang P4 sa susunod na buwan bunsod ng pagkaantala ng pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa mga magsasaka, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Photo courtesy of iStock
Ang nasabing ayuda ay nagkakahalagang P5,000 na gagamitin sana ng mga magsasaka sa kanilang pagtatanim.
“Four to five pesos ‘yun ang nakikita natin. From P38 to P43 per kilo. So, ganon ang mangyayari kung hindi naibigay ‘yung ayuda,” pahayag ni SINAG President Rosendo So sa isang panayam.
“Malaking effect iyan sa ating consumer lalo na kung makita natin ‘yung world market price ng bigas sa other countries, tumaas din,” paliwanag pa niya.