Nagbigay ng mga donasyong sasakyang pandagat ang pamahalaang lalawigan ng Cavite sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Miyerkules, Mayo 19.
Ang mga naturang sasakyang pandagat ay isang twin-engine 150HP speedboat at apat na jetskis o personal watercraft na gagamitin ng Coast Guard Station Cavite.
Sa isang Facebook post ng naturang ahensya, sinabi ni PSG District NCR- Central Luzon Commander Commodore Leovigildo Panopio na makatutulong ito sa pagpapaigting ng kaligtasang pandagat, seguridad, at upang mapanatili ang pagprotekta sa kapaligiran ng naturang lalawigan.
Dagdag pa rito, gagamitin rin ang mga naturang sasakyang pandagat sa pagpapatupad ng batas at mga operasyon sa paghahanap at pagsagip ng buhay.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang naturang commander ng PCG kay Cavite Governor Jonvic Remulla.