Retired navy man inaresto sa pagpatay ng kapitbahay sa Trece Martires City 

Isang construction worker sa Trece Martires City, Cavite ang nasawi matapos barilin ng kanyang kapitbahay na retiradong miyembro ng Philippine Navy. Nag-ugat ang krimen sa mainitang pagtatalo dahil sa isang baboy. Nahuli ang suspek habang sinubukang itago ang bangkay ng biktima. Nahaharap siya ngayon sa kasong murder.

Isang construction worker ang nasawi matapos barilin ng kanyang kapitbahay na isang retiradong miyembro ng Philippine Navy sa Brgy. Lapidario, Trece Martires City, Cavite noong Agosto.

Kinilala ang biktima na si Marlon Velasco, 47-anyos, residente ng Brgy. Lapidario. Ang suspek ay kinilala sa alyas Ric, 59-anyos, isang retiradong sundalo ng Philippine Navy at nakatira rin sa parehong barangay.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-2:40 ng hapon. Nag-iinuman umano ang dalawa nang magkaroon ng mainitang pagtatalo kaugnay sa isang baboy na nakawala at nahuli ng pamilya ng biktima. Dahil sa matinding galit, binaril ng suspek sa ulo ang biktima gamit ang hindi pa tukoy na uri ng baril.

Isang residente sa lugar ang nakarinig ng putok at agad na nagtungo sa pinagmulan nito. Naabutan niya ang suspek na nagtatangkang takpan ng mga yero at bakal ang bangkay ng biktima upang maitago. Agad itong iniulat sa barangay at kaagad ding naipaabot sa pulisya.

Mabilis na inaresto ang suspek at kasalukuyang nakakulong. Nahaharap siya sa kasong murder habang patuloy ang imbestigasyon ng Trece Martires City Police.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Miyembro ng NPA sumuko sa Maragondon

Nagbalik-loob sa pamahalaang ang isang isang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) matapos nitong sumuko sa mga awtoridad sa Maragondon, Cavite.
Read More

Team Unlad , dinagsa ng suporta sa motorcade sa Cavite City

Mainit na sinalubong ng mga residente ang motorcade ng #TeamUnladCaviteCity, pinangunahan ni Mayor Denver Chua. Nagpasalamat ang alkalde sa suporta at nangakong magpapatuloy sa tapat na serbisyo. Nag-house-to-house visit din ang grupo, at umaasa ang mga mamamayan sa mas maraming proyekto para sa pag-unlad ng Cavite City.