Inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod (SP) ang P21 milyong pondo na ipamimigay sa mga apektado ng sunog na sumiklab sa ilang barangay sa Cavite City nitong Sabado.
Ayon sa Facebook post ni Vice Mayor Denver Chua, P30,000 cash assistance ang ipamimigay sa halos 760 pamilya o nasa mahigit 3,500 indibidwal na apektado.
Photo courtesy by Vice Mayor Denver Chua
“Napirmahan na po natin ang resolution na nag-aapruba ng 30K cash assistance sa bawat pamilya na nasunugan mula sa calamity fund ng ating City Government,” ani ni Chua sa kaniyang Facebook post.
“Trabaho po namin ito kung kaya’t hindi niyo po ako kailangang pasalamatan o sinumang pulitiko dahil galing po ito sa pera ng taong bayan. Bawat isang Caviteño po ay may ambag sa tulong na ito dahil ito ay mula sa taxpayer’s money,” dagdag pa niya.
Samantala, nagpaabot rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng General Trias ng mahigit 800 relief boxes na naglalaman ng first aid kits sa mga biktima.
Nagpaabot din ng tulong si Kawit Mayor Angelo Aguinaldo kasama si Vice Governor Jolo Revilla sa mga nasunugan.
Magandang Gabi po! Nandito po tayo sa Cavite City para mag hatid tulong sa mga nasunugan ngayong araw. May dala po tayong Hygiene Kits, packed goods at mga damit para po makatulong sa mga Kapwa nating Caviteño. Kasama ko din po si Vice Gov. Jolo Revilla at ang Team Puso at Malasakit. #PusoAtMalasakitParaSaAtingKawit #RatedTripleA
Posted by Angelo G. Aguinaldo on Saturday, February 12, 2022
Namahagi rin ng kabuuang P7.9 milyong donasyon si presidential aspirant Isko Moreno Domagoso bilang tulong sa pagbili ng materyales para sa pagpapatayo ng bahay.
Basahin: Isko namahagi ng P7.9M sa mga nasunugan sa Cavite City
BUHAY NA BUHAY ANG BAYANIHAN! TINGNAN: Tinupok ng apoy at halos wala nang nailigtas ang karamihan sa mga biktima ng…
Posted by The Cavite Rising on Sunday, February 13, 2022
Samantala, marami pa rin ang patuloy na nag-aabot ng tulong. Kabilang na rito ang isang food stall sa Cavite na nagdala ng mahigit kumulang 700 food packs sa mga nasalanta.
Thumbnail photo from Cusina de Cavite.