Hinimok ng BSP ang publiko na magparehistro na ng sim cards bago ang deadline nito sa Abril 26 upang patuloy na magamit ang mga mobile banking apps at e-wallets.
Photo via Canva
“Sa rehistradong cellphone number ipinapadala ng mga bangko at e-money issuer ang one-time password (OTP) at mga kaukulang advisory o alerto para sa mas ligtas na financial transactions,” dagdag pa ng BSP.
Ayon naman sa Department of Information and Communications Technology (DICT), maaaring ma-deactivate ang mga sim card at magdulot ng abala sa pakikipag-komunikasyon at iba pang mobile application na nangangailangan ng one-time pin (OTP).
“Huwag hintayin ang huling araw. Pumunta lamang sa mga opisyal na link ng SIM Registration Portal o i-scan ang QR code sa ibaba. Sa loob lamang ng ilang minuto ay mairerehistro na kayo,” pahayag ng DICT sa kanilang Facebook post.
Narito ang mga official links kung saan maaaring makapagrehistro ng mga sim card mula sa mga telecommunications company sa bansa:
Smart, TNT at Sun Subscribers:
Globe, TM at GOMO Subscribers:
https://new.globe.com.ph/simreg
DITO subscribers: