Pinalawig ng Taiwan ang kanilang visa-free entry program para sa mga may hawak ng pasaporte mula sa Pilipinas, Thailand, at Brunei hanggang Hulyo 2025 bilang bahagi ng Southbound Policy.
Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan, layunin ng programang ito na magbigay ng visa exemption basta’t hindi hihigit sa 14 na araw ang pananatili sa bansa.
“Matapos suriin ang bisa ng mga nasabing hakbang sa nakaraang mga taon, nagpasya ang mga kalahok na ahensya na palawigin ang trial visa-free entry program ng isang taon para sa mga mamamayan ng Thailand, Brunei, at Pilipinas mula Agosto 1, 2024, hanggang Hulyo 31, 2025,” asbi ng Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan.
Sa kasalukuyan, tinatayang may humigit-kumulang 200,000 Pilipino ang naninirahan at naghahanapbuhay sa Taiwan.