Nagpositibo sa COVID-19 si Tanza Mayor Yuri Pacumio, ayon sa kaniyang official statement sa Facebook, Setyembre 1 ng umaga.
Sa kabila umano ng pag-iingat at pagsunod sa umiiral na health protocols, naging asymptomatic pa rin ang alkalde o walang nararamdamang anumang sintomas ng COVID-19.
Negatibo naman sa swab test ang lahat ng mga naging close contacts ng alkalde kabilang na ang kaniyang pamilya.
Sa kasalukuyan, patuloy na naka-isolate at nagpapagaling si Pacumio habang sinisigurong tuloy umano ang serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Tanza sa publiko.
“Hiling ko ang ibayong pag-iingat at taimtim na dasal ng bawat isa para matuldukan na ang krisis sa kalusugan na dalawang taon na nating nilalabanan. Kaya natin ‘to, laban Tanzeño,” sabi ng alkalde.
Ayon naman sa ulat ng RHU Tanza noong Agosto 31, pumalo na sa 5,864 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan; 1,349 sa mga ito ang active cases, 4,339 ang recovered, habang 176 na ang nasawi.
COVID-19 Update as of August 31, 2021. Umabot na sa 5,864 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza. Sa bilang na '…
Posted by Yuri Pacumio on Tuesday, August 31, 2021
Samantala, patuloy pa ring hinihimok ang lahat ng Tanzeño na magpabakuna lalo na ang mga nasa A1, A2, at A3 priority list. Maaaring magparehistro sa link na dito.