VP Sara namahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng sa Cavite

Nasa 5,000 food packs ang ipinamahagi Vice President Sara Duterte sa residenteng naapektuhan ng bagyong Paeng sa General Trias City at Imus City.

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pamamahagi ng relief goods sa mga lungsod ng General Trias at Imus.

Photos courtesy of VP Inday Sara Duterte / Facebook

Kasama sa pamamahagi sina Sen. Bong Revilla Jr., GenTri Mayor Jon-Jon Ferrer, Imus Mayor Alex Advincula, at iba pang mga lokal na opisyal.

“Tatlong libong food packs ang naibigay para sa mga biktima ng bagyo sa Gen. Trias at 2,500 naman para sa mga apektadong residente ng Imus,” saad ni Duterte.

“Sa aking mensahe sa ating mga kababayan na biktima ng bagyo, binigyang diin ko ang kahalagahan ng paghahanda sa epekto ng mga kalamidad. Sa pagpa-plano ng pagtatayo ng bahay, importante ding saliksikin kung ang lugar ay ligtas sa mga kalamidad,” payahag niya.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts