2 sunog sumiklab sa Cavite City

Libo-libong pamilya ang apektado matapos lamunin ng apoy ang dalawang residential area sa Cavite City.

Dalawang sunog ang sumiklab sa magkahiwalay na residential area sa Cavite City nitong Hulyo 13 at 14.

Ang unang sunog ay naiulat sa Barlan St., Barangay 13 Scorpion nitong Sabado pasado alas-3:00 ng hapon.

Itinaas sa first alarm ang sunog at hinihinalang wiring ng kuryente ang pinagmulan ng trahedya.

Ayon kay Cavite City Mayor Denver Chua, walang napaulat na nasawi ngunit anim na bahay ang apektado sa sunog. Dalawa ang totally damaged habang apat naman ang partially damaged.

Sa kabilang banda, nitong Linggo, mahigit 1,200 pamilya ang naapektuhan sa sunog na sumiklab sa Barangay 5 at 7 (Badjao) na umabot sa ikaapat na alarma bago ideklarang fire under control.

Fire update 🚨 Fire situation as of 4:13PM in Barangay 5 & 7 Cavite City

Posted by Denver Chua on Sunday, July 14, 2024

Ang mga residente ay gumamit na ng bangka para makalikas at maisalba ang kani-kanilang ari-arian at maging ang kanilang mga alagang hayop.

Bukod dito, gumamit na rin ng chopper sa pag-aapula sa mga bahay na dinilaan na ng apoy.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektado ng sunog sa Santa Cruz Elementary School habang inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Thumbnail photo courtesy of J. Buenaventura / Facebook 

Total
0
Shares
Related Posts