1,416 bag ng dugo nakolekta sa bloodletting activity ng DOH-CALABARZON

Umabot ng 1,416 bag ng dugo ang nakolekta ng Department of Health (DOH) CALABARZON sa isinagawang blood donation drive sa pamamagitan ng Regional Voluntary Blood Services Program (RVBSP) bilang pakiisa sa World Blood Donor Day simula Hunyo 11 hanggang 25.

Umabot ng 1,416 bag ng dugo ang nakolekta ng Department of Health (DOH) CALABARZON sa isinagawang blood donation drive sa pamamagitan ng Regional Voluntary Blood Services Program (RVBSP) bilang pakiisa sa World Blood Donor Day simula Hunyo 11 hanggang 25.

Katuwang ng DOH-CALABARZON ang ilang ahensiya kabilang na ang Alagang Kapatid Foundation, Iglesia ni Cristo, at mga pamahalaang lokal sa mga probinsya ng naturang rehiyon.

Nasa 211 katao ang nakapag-donate ng dugo sa Kawit, Cavite; 225 sa Mendez, Cavite; 227 sa General Trias, Cavite; 108 sa Los Banos, Laguna; 81 sa Tanay, Rizal; 189 sa Camp Karingal, Quezon; 167 sa Malvar, Batangas; at 135 sa Gumaca, Quezon.

Ayon sa DOH-CALABARZON, ang naturang programa ay bilang pagsuporta sa mandato ng naturang ahensiya na makapagbigay ng sapat at ligtas na suplay ng dugo para sa mga pasyente na nangangailangan ng dugo.

Sinabi naman ni RVSP Coordinator Myla Velgado sa isang report ng DOH-CALABARZON, “A bag of blood can save up to three lives. It is separated into platelets, plasma, red blood cells and white blood cells which can be given to at least three patients.”

“Blood is free. Blood should be shared. Blood donation is the most humane gesture a person can do. And it is the simplest way to save a life. Let us continue saving lives by voluntarily donating our blood. It is the foundation of safe and sufficient blood supply,” dagdag pa niya.

Total
9
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts