Pagbabakuna sa edad 5-11 target simulan sa unang linggo ng Pebrero — DOH

Target ng pamahalaan na simulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 sa buwan ng Pebrero.

Pinagpaplanuhan na ng Department of Health (DOH) na bakunahan laban sa COVID-19 ang mga kabataang edad 5 hanggang 11 taon sa unang linggo ng Pebrero.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa public briefing noong Biyernes, hinihintay pa ng pamahalaan ang pagdating ng mga biniling Pfizer vaccines para sa mga nasabing edad.

“Ang tinitingnan nating date, ealiest first week of February, maumpisahan natin ‘yung pagbabakuna ng ating 5 to 11. Hindi pa ‘ho tayo nagbabakuna ng 5 to 11, parating pa lang po ‘yung bakuna,” paglilinaw ng kalihim.

Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng Pfizer vaccines nito lamang Disyembre 2021 para sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 taon.

Sinabi rin ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng darating sa bansa ang unang tranche ng bakuna ng Pfizer sa huling linggo ng Enero hanggang sa unang linggo ng Pebrero.

Thumbnail photo by Zoltán Bencze from Pexels

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaking may multiple cases ng kahalayan na wanted sa Cavite, arestado sa Pasay

Inaresto ng Pasay City Police ang isang lalaking wanted sa Cavite dahil sa 14 na kaso ng acts of lasciviousness at paglabag sa Child Abuse Act na kinasasangkutan ng mga menor de edad. Nahuli ang suspek sa Pasay City sa bisa ng warrant of arrest mula sa Trece Martires City, Cavite, at dinala na sa Trece Martires City Police Station.