Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Trece Martires ang libreng paanakan at libreng konsultasyon para sa mga buntis nitong Miyerkoles, Hunyo 16.
Ayon kay Trece Martires City Mayor Gemma Lubigan, layon nitong solusyunan ang problema ngayong pandemya na mapadali ang paghahanap ng ospital para sa mga manganganak.
Dagdag pa rito, magkakaloob rin ng bitamina simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak ang naturang lungsod at iba pang serbisyo tulad ng prenatal check-up, post-natal check-up, newborn Screening, at family planning.
Sakop ng naturang programa ang nasa edad 20 hanggang 34 taong gulang at nasa ikalawa hanggang ika-apat na pagbubuntis.
Kailangan din umano ang mga sumusunod:
• May regular na check-up sa Barangay Health Center
• May angkop at tamang resulta ng mga laboratoryo
• Philhealth member o Non-Philhealth (with minimal fee) member
“Ito po ay Located sa ating City Health Office and open 24 hours. Sa iba pang katanungan, magtungo sa inyong Brgy. Health Center or sa City Health Office,” wika ng alkalde.