Grupong Manibela, Piston nagsanib pwersa kontra jeepney phase out

Muling ikinasa ng grupong Manibela at Piston ang malawakang tigil pasada dahil sa nalalapit na deadline ng traditional jeepney sa susunod na buwan.

Maglulunsad ang grupong Manibela ng malawakang tigil-pasada simula bukas, Nobyembre 21, hanggang Biyernes, Nobyembre 24.

Canva photo

Hindi bababa sa 200,000 na driver at operators ang lalahok sa nasabing strike.

Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, muling ikakasa ang tigil-pasada dahil sa kakulangan ng aksyon ng Deportment of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Bord (LTFRB) sa kanilang mga hinaing.

Pinagtulungan ng grupong Piston at Manibela ang naturang tigil pasada bilang kanilang maging protesta na suspendihin ang December 31 deadline para sa consolidation ng mga prankisa ng mga tradisyunal na jeepney.

“Marami pong paraan para makapag-modernize. Puwede kaming magpa-rehab. Marami na po ang nagpa-rehab ng aming mga sasakyan, kailangan lang ng magagandang makina,” saad ni Valbuena.

Matatandaang maaga nang nagkaroon ng tigil-pasada ang grupong PISTON na may kaugnayan rin sa December 31 deadline na ibinigay ng LTFRB sa napipintong panukala na gawing moderno ang mga jeep.

Iginiit rin ni Valbuena na kung hindi iuurong ang deadline ay magiging kolorum sila pagdating ng Enero 1, 2024.

“Wala daw pong phaseout ng jeepney, pero hindi po malinaw kung ire-renew pa, kung ie-extend pa ‘yung provisional authority ng mga hindi nag-consolidate… Paano mangyayari walang phaseout pero patuloy ang PUVMP,” dagdag pa nito.

Total
0
Shares
Related Posts