2,506 residente ng Bacoor nabakunahan sa loob ng isang araw

Nasa humigit kumulang 500 frontliners, senior citizen, persons with comorbidities ang nababakunahan sa kada vaccination site sa lungsod ng Bacoor.

Tinatayang nasa 2,506 Bacooreño na kabilang sa priority groups na A1, A2, at A3 ang nabakunahan sa lungsod ng Bacoor noong Mayo 17 sa loob lamang ng isang araw.

Patuloy ang pag-arangkada ng pagbabakuna sa lungsod ng Bacoor. Photo via City Government of Bacoor Facebook page

Ginaganap ang pagbabakuna sa iba’t ibang vaccination site ng naturang lungsod gaya na lamang ng Niog Elementary School, Aniban Elementary School, Alima Elementary School, Springville, Molino III Bacoor Coliseum at Queens Row Central Elementary School.

Ayon sa isang Facebook post ng City Government of Bacoor, nabakunahan na ang 540 katao sa Alima Vaccination hub, 479 sa Molino vaccination site, 528 sa Niog Elementary School, 480 sa Aniban vaccination hub, at 479 naman sa Queen’s Row vaccination site. 

Nito lamang Mayo binuksan ng pamahalaang lungsod ng Bacoor ang Niog Elementary School bilang isang vaccination center.

Layon nito na mas marami pa ang mabakunahan na mga residente ng Bacoor kung sakaling may mga darating pang bakuna sa bansa.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Corregidor tour via Cavite City Unlad pier, sinimulan na

Opisyal nang inilunsad ng Cavite City Tourism Office ang group tour sa Corregidor Island mula sa Unlad Pier, na inaasahang magpapalakas sa turismo at ekonomiya ng Cavite City. Pinangunahan ito nina Mayor Denver Chua, Cong. Jolo Revilla, at Vice Mayor Raleigh Rusit, na naniniwalang malaking hakbang ito para muling makilala ang lungsod bilang world-class destination.