Ayudang bigas para sa mga Kawiteño, inihahanda na

Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Kawit ngayong araw ang inorder na bigas ni Mayor Angelo G. Aguinaldo para sa mga Kawiteño.

Magandang Kawit! Dumating na po ang inorder nating bigas. Noong i-announce po na balik MECQ po tayo sa ating lalawigan…

Posted by Angelo G. Aguinaldo on Saturday, August 7, 2021

Ayon sa alkalde, noong inanunsyo na muling isasailalim ang probinsya ng Cavite sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay nabatid niyang kailangan ng mga Kawiteno ang dagdag na makakain.

“Pagpasensiyahan niyo na po kung bigas lamang po ang maipapamahagi natin ngayong MEQC. Sana po ay makatulong ito sa inyong pamilya,” ani ng alkalde sa kaniyang Facebook post. 

Pinaaalalahanan din niya ang lahat na manatili sa loob ng kani-kanilang mga tahanan lalo na kung hindi naman kinakailangang lumabas. 

“Para din po sa mga nanay at tatay wag na po ninyo palabasin ang inyong mga anak para hindi na din po malagay sa alanganin kung sakaling dapuan ng sakit. Ingat po tayong lahat at muli, Magandang Kawit.” dagdag pa niya. 

Total
3
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts